SONA 2018 | 3 day lockdown para sa SONA, sinimulan na ng Kamara

Manila, Philippines – Inumpisahan na ng House Legislative and Security Bureau ang pagpapatupad ng 3-day lockdown sa Batasang Pambansa Complex para sa paghahanda sa SONA sa Lunes.

Dahil dito tanging ang mga may pangalan lamang na isinumite sa Legislative Security Bureau ng Kamara ang maaring makapasok ng Batasang Pambansa.

Bibigyan ang mga ito ng color-coded stickers bago makapasok.


Para naman sa mga miyembro ng media ang mga House Accredited Reporters at crew lamang ang papayagang pumasok.

Habang ang ibang mga media personnel na mag se-set up ng kanilang nga media facilities para sa coverage ay papayagan kung nakalista ang kanilang pangalan na ipinadala ng mga media outfit sa pamunuan ng Kamara.

May mga areas na rin na restricted o pinagbabawalan ng PSG na makapasok.

Ang lockdown ay para sa isasagawang security check at preparation ng mga security personnel ng Kamara at Presidential Security Group (PSG) para masiguro ang kaligtasan ng Pangulo at mga dadalo sa SONA sa Lunes.

Facebook Comments