SONA 2018 | VP Leni Robredo, kinumpirmang dadalo sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Kinumpirma ni Vice President Leni Robredo na dadalo ito sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Robredo, isa ito sa kanyang obligasyon bilang pangalawang pangulo.

Matatandaang inihayag ni Pangulong Duterte na walang kakayahan si VP Robredo na pamunuan ang bansa.


Kasalukuyan ding nahaharap si Robredo sa electoral protest na isinampa laban sa kanya ni dating Senador Bongbong Marcos.

Facebook Comments