SONA | Mga militanteng grupo mula sa Southern Tagalog nakarating na sa Metro Manila

Manila, Philippines – Nakarating na sa Metro Manila matapos maglakbay nang higit sa 47 km sa gitna ng malakas na ulan, ang Lakbayan ng Mamamayan mula sa Southern Tagalog Region.

Limang araw na naglakad ang may tatlong daang miyembro ng BAYAN Southern Tagalog.

Ang Lakbayan ay magkakaroon ng dalawang magkakahiwalay na programa, ngayon araw, ang isa ay sa harap ng Chinese Consulate sa Makati at ang isa namanay sa US Embassy sa Maynila.


Ang mga magsasaka mula sa southern tagalog ay nagmamartsa ngayon sa Gil Puyat Avenue o Buendia malapit na sa kanto ng Chino Roces Avenue patungo sa Chinese Consulate.

Ang kilos protesta ng militanteng grupo ay may kaugnayan sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ng PRRD sa darating na Hulyo 23.

Facebook Comments