SONA ng Pangulong Duterte, posibleng sa Malakanyang gawin

Posibleng sa Malakanyang gawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang State of the Nation Address o SONA sa ika-apat ng hapon sa July 27, 2020 dahil sa COVID-19  pandemic.

Ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III, base ito sa inisyal na napag-usapan sa pagitan ng Presidential Security Group o PSG at ng Senate Secretary at Secretary General ng Kamara.

Sinabi naman ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pwede ring magpunta ang Pangulo at ilang lider ng Senado at Kamara sa Batasan Complex para sa SONA habang ang ibang mga senador at kongresista ay naka-video conference na lang.


Samantala, ayon kay Sotto, sa pagbubukas ng second regular session sa July 27, 2020 ay dapat physically present silang lahat.

Kasunod nito, kanilang pagpapasyahan kung itutuloy pa nila ang hybrid na plenary session kung saan may ilan sa kanila ang physically present habang ang karamihan ay nakikibahagi sa pamamagitan ng video conferencing.

Facebook Comments