Ikalawang COVID-19 Testing Center sa Region 2, Bubuksan

Cauayan City, Isabela- Aabot sa 200 specimen samples ang maisasailalim sa pagsusuri sa pagbubukas ng ikalawang COVID-19 Testing Center sa Cagayan Valley Medical Center.

Ayon kay CVMC Chief Dr. Glenn Mathew Baggao, dumating na ang dalawang (2) Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) Machine na siyang makakapagtest ng 100 specimen samples sa bawat makina.

Aniya, tinitiyak nito na mapapabilis ang paglabas ng mga resulta kumpara sa sitwasyon na dinadala pa sa testing center sa maynila at lungsod ng Baguio na aabutin ng 2-3 araw ang paglabas ng resulta.


Kasabay ng pagbubukas nito sa darating na June 15 ang operasyon din ng nasabing laboratory habang hinihintay pa na matapos ang pagsasanay ng mga mangangasiwa dito.

Samantala, hihintayin din ang lisensya para sa pagbubukas na manggagaling sa DOH.

Una nang binuksan ang testing laboratory sa TB Center ng DOH Region 2.

Facebook Comments