Inaantabayanan maging ng Kamara ang unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.
Ayon kay presumptive speaker at Leyte Representative Martin Romualdez, ang SONA ang magiging gabay ng Kamara sa kung anong mga panukalang batas ang kanilang tututukan.
Pinaka-una na nga aniya rito ay ang 2023 National Expediture program.
Kasama rin aniya sa mga priority legislative measure ng Mababang Kapulungan para sa 19th Congress, ang mga panukalang napagtibay na ng Kamara noong 18th Congress ngunit hindi na naipasa ng Senado.
Sa July 25 ay isasagawa ni PBBM ang kanyang unang SONA.
Dito inaasahan na kanyang ilalatag ang mga plano para sa bansa sa susunod na anim na taon ng kanyang panunungkulan.
Facebook Comments