Senator Raffy Tulfo, nag-alok ng isang milyong pisong pabuya sa suspek ng Marinduque rape-slay case

1363

Nag-alok ng isang milyong pisong pabuya si Senator Raffy Tulfo sa makakabigay ng impormasyon hinggil sa taong pumatay sa 21 taong gulang na lalaki at paggahasa sa girlfriend nito sa Marinduque.

Sa isang pahayag, kinondena ni Tulfo ang karumal-dumal na krimen at saka nag-alok ng pabuya sa makakapagturo sa naturang suspek.

Mangyari lamang isangguni sa kaniyang tanggapan ang mga nais magbigay ng impormasyon kaugnay rito.


Mababatid na nauwi sa trahedya ang sinapit ng naturang pares sa Boac, Marinduque ang sanang camping trip ng dalawa matapos pumasok ang isang hindi pa tukoy na lalaki sa loob ng kanilang tent kung saan pinagsasaksak ng suspek ang lalaking biktima nang sampung beses.

Nakatakbo pa ang girlfriend ng biktima ngunit nahabol ito at saka hinalay.

Mababatid din na kinuha ng suspek ang mahahalagang kagamitan ng dalawa bago lisanin ang krimen.



Facebook Comments