SONA ni Pangulong Bongbong Marcos, Zero crime ayon sa NCRPO

Iniulat ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na nakapagtala ito ng zero crime incidence sa unang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Ayon kay NCRPO Chief Police Major General Felipe Natividad, generally peaceful ang pagdaraos ng SONA ng pangulo sa tulong ng mahigit dalawampu’t dalawang libong law enforcers at peacekeepers na ipinakalat.

Paliwanag ni Natividad na ipinatupad nang mahusay ang mga polisiya, batas at procedures upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan hindi lamang para sa kaligtasan ni Pangulong Marcos kundi pati na mga anti at pro-government.


Kinilala rin ng opisyal ang pakikipagtulungan at pagkakaisa ng iba’t ibang tanggapan at units na pinakinabangan ng mga lumahok sa kilos-protesta at sumuporta sa punong ehekutibo.

Sa kabila aniya ng mga hamon dulot ng masamang panahon ay nanatiling mataas ang morale ng pulisya nagpatupad ng mahigpit na seguridad at COVID-19 health protocols.

Binati naman ni Natividad ang nasa limanlibong indibidwal na naglabas ng mga hinaing at humigit-kumulang anim na libong kaisa sa programa at plano ng pamahalaan dahil sa pagiging responsable para isaayos ang mga kasapi.

Facebook Comments