SONA ni Pangulong Duterte, gagawin sa Batasang Pambansa

Inihayag ngayon ni Senate President Tito Sotto III na sa Batasang Pambansa gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang ikalimang State of the Nation Address (SONA) sa July 27.

Ayon kay Sotto, base sa napag-usapan ay hanggang 50 tao lamang ang papayagang pumasok sa Batasang Pambansa para sa SONA ng Pangulo at lahat ito ay isasailalim sa COVID-19 rapid test, magsusuot ng face mask at susuriin ang temperatura.

Sabi ni Sotto, ito ay bubuuin ng 25 mula sa Executive Department, 13 mula sa House of Representatives at 12 mula sa Senado.


Nilinaw ni Sotto na yan ay hindi puro kongresista at Senador kundi kasama ang Senate Sergeant at Arms, secretary at documentation staff.

Dahil dito ay posibleng walong mga senador lamang ang makadadalo sa SONA na kinabibilangan nina Senators Panfilo Ping Lacson, Francis Tolentino, Christopher Bong Go, Juan Miguel Zubiri, Pia Cayetano, Ronald Bato Dela Rosa, Sherwin Gatchalian at SP Sotto.

Facebook Comments