SONA ni Pangulong Duterte, hindi lalagpas ng 1 hour and 20 minutes

Aabutin ng isang oras at dalawampung minuto ang talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-lima niyang State of the Nation Address (SONA) mamayang hapon.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, ito ang haba ng SONA speech ng Pangulo sa last rehearsal niya kagabi.

Pero hindi pa aniya kasama rito ang adlib ng Pangulo.


Paliwanag ni Andanar, prerogative ng Presidente kung siya ba ay mag-a-adlib o hindi.

Alas-4:00 mamayang hapon, inaasahang magsisimula ang SONA.

Tampok sa SONA ng Pangulo ang COVID-19 Recovery Plan ng bansa at kung anu-ano pang hakbang ang gagawin ng Duterte Administration upang tuluyang makabangon ang ating ekonomiya.

Samantala, matapos ang SONA, didiretso sa Malakanyang si Pangulong Rodrigo Duterte at hindi na magpapaunlak pa ng panayam sa media.

Facebook Comments