SONA ni Pangulong Duterte, hindi pa plantsado ayon sa NCRPO

Aminado si NCRPO Director P/Maj. Gen. Guillermo Eleazar na hindi pa tapos ang preparasyon bagamat mayroon ng template ang kanilang pagdedeploy ng mga Pulis sa darating na SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte, pero hindi pa ito plantsado dahil hindi pa lahat nakakausap ang mga lider ng iba’t-ibang militanteng grupo.

 

Sa ginanap na forum sa Tapatan sa Maynila, sinabi ni General Eleazar na nakalatag na ang lahat ng  kanilang mga  gagawing paghahanda sa SONA dahil tulad din ng dati, ang bilang ng mga Security Personnels ang kanilang idedeploy.

 

Paliwanag ni Eleazar kinakailangang makausap muna nila ang mga Lider ng mga iba’t-ibang militanteng grupo na magsasagawa ng kilos protesta upang malaman kung hanggang saan ang kanilang boundary sa pagpasagawa ng mga kilos protesta.


 

Giit ni Eleazar na hindi sila mangingiming ipatupad ang nararapat na hakbang sakaling hindi sumunod sa kanila ang mga gagawing kasunduan ng mga militanteng grupo pero maximum tolerance pa rin ang kanilang ipaiiral sa araw ng SONA.

Facebook Comments