*Cauayan City, Isabela- *Bakas umano ang pananamlay ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang SONA kahapon dahil sa hindi umano nito gaanong binigyang diin ang kanyang mga binanggit na isyu dito sa bansa.
Ito ang inihayag ni Mr. Ric Samaniego, ang Preseident CEO ng Philippine Coalition and Consumer Welfare Incorporated, na bagamat hindi nagmura ang Pangulo sa kanyang SONA ay mas gusto pa rin umano nito ang dating Mayor Duterte sa Davao City dahil sa malakas nitong kapangyarihan na manduhin ang kanyang nasasakupan.
Ayon pa kay ginoong Samaniego, kung bibigyan man umano nito ng puntos ang SONA ng Pangulo ay nasa pitong porsyento lamang ito mula sa sampung porsiyento subalit kailangan pa rin umano nating intindihin ang Pangulo dahil sa edad at karamdaman nito.
Samantala, hindi na umano nababantayan ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin kung saan nasa 5.6 porsiyento na ang inflation rate ng mga bilihin nitong nakaraang linggo at kawawa na umano ang mga magsasakang consumer.
Umaasa naman si ginoong Samaniego na sana ay hindi na umano matuloy ang Tax Reform for Accelaration and Inclusion o TRAIN 2 dahil mas lalo pa umanong maghihirap ang mga Pinoy kung itutuloy pa ito ng pamahalaan.