Dismayado ang ilang manggagawa sa pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing kulang umano sa timbang ang gagawing State of the Nation Address (SONA) ng Pangulo bukas, Hulyo 26.
Ayon kay Federation of Free Workers (FFW) President Atty. Sonny Matula, pagkatapos umano sa 5 taon ng pamumuno ni Pangulong Duterte ay kailangan nang pananagutin ng sambayanang Pilipino dahil bigo itong tuparin ang kanyang mga pangako noong nangangampanya pa siya.
Paliwanag ni Atty. Matula, na isa sa kanilang tinimbang ay ang kampanya ng pangulo sa giyera kontra ilegal na droga kung saan 6,000 hanggang 30,000 mga Filipino ang napapaslang simula taong 2016 kabolang ang pagpaslang sa 56 trade union leaders at organizers.
Dahil dito, nanawagan ang grupo na bilisan ang imbestigasyon at ipaalam sa publiko kung ano na ang nangyayari sa dalawang Sentro ng Progresibo at Nagkakaisang Manggagawa (SENTRO) na sina Marlon at Fe Ornido na pawang mga urban poor leader na nakikipaglaban sa kanilang lupain na pinaslang sa kamakailan sa Quezon City.
Iniisa-isa rin ng grupong FFW ang kabiguan ng pangulo kabilang na ang pagpapasa sa anti-endo bill, kabiguan sa pagtugon sa pandemya, kawalan ng trabaho ng mga manggagawa, hindi pagtatanggol sa ating soberanya.