SONA ni PBBM, hindi umano sumasalamin sa tunay na state of the nation ayon sa Bukluran ng Manggagawang Pilipino

Malayo umano sa tunay na state of the nation ang nilaman ng unang SONA ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ayon kay Rene Magtubo, chairman ng Partido Manggagawa, walang kongkretong solusyon si PBBM sa sumisirit na inflation rate na nakakaapekto sa kabuhayan ng mahihirap na Pilipino.

Aniya, wala silang narinig na commitment para sa dagdag pasahod o ayuda sa mga manggagawa.


Gayundin ang matagal nang reklamo sa contractualization ng labor at ang mga isyu ng paglabag sa labor rights o ang red-tagging ng mga union leader.

Pakiramdam ni Magtubo, ang SONA speech ay para lang sa pandinig ng mga kongresista at mga senador at hindi para sa nakararaming sektor na naghihirap sa kasalukuyang krisis.

Ang narinig aniya ng taumbayan ay listahan ng mga pangako.

Facebook Comments