Pangunahing nais marinig ni Senator Joel Villanueva sa State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ang kaniyang mga plano para sa mga manggagawa mula sa paglikha ng trabaho hanggang sa pagsulong ng kanilang mga kapakanan, at pagsiguro ng kanilang kabuhayan at kita.
Interesado si Villanueva na malaman ang mga plano ni PBBM para sa edukasyon at training na magbubukas ng oportunidad para sa mga Pilipino na magkaroon ng matiwasay na pamumuhay.
Nais ding malaman ni Villanueva ang pananaw ng pangulo ng Pilipinas bilang bahagi ng international community dahil importante ang relasyon natin sa ibang bansa pagdating sa usapin ng international trade and security.
Para kay Villanueva, malaking factor ang international affairs lalo na sa isyu gaya ng pandemya at pagtaas ng presyo ng langis.
Diin ni Villanueva, mahalaga rin na marinig ito ng ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs), lalo na sa pagsisimula ng operasyon ng Department of Migrant Workers (DMW).