SONA | Quezon City, nagsuspinde na ng klase sa Lunes

Quezon City – Nagkansela na ng klase ang lungsod ng Quezon para sa mga mag-aaral sa lahat ng antas sa July 243, araw ng Lunes.

Ito ay para sa ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Quezon City Administrator Aldrin Cuña, sakop ng suspensyon ng klase ang lahat ng antas sa QC sa public at private schools.


Inaasahan kasi ang mga kilos protesta at pagsisikip ng daloy ng traffic sa maraming lansangan sa lungsod sa nasabing araw.

Facebook Comments