Buo ang suporta nina Senate President Vicente “Tito” Sotto III at Senator Panfilo “Ping” Lacson sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay dating NBI Director Dante Gierran bilang President at CEO ng PhilHealth.
Ayon kay Sotto, malinis ang record ni Gierran kaya good choice ito para pamunuan ang PhilHealth.
Malaking puntos din para kay Sotto ang investigative skills ni Gierran laban sa anumang katiwalian sa ahensya.
Diin naman ni Lacson, mabuting tao si Gierran.
Tiwala si Lacson na sa pamumuno ni Gierran ay hindi na matutulad sa Dante’s Inferno ang PhilHealth.
Facebook Comments