Source code na gagamitin ng Comelec sa halalan sa susunod na taon, isinailalim na sa final trusted build

Isinailalim na sa final trusted build ang source code na gagamitin para sa halalan sa susunod na taon.

Layon ng proseso na matiyak ang integridad ng sistemang gagamitin partikular ang source codes o software na gagamitin para sa automated election system.

Isinasagawa sa Alabama sa Estados Unidos ang pagsusuri ng kompanyang Pro V&V na accredited na magsagawa ng naturang pagsusuri.


Kabilang sa sinuri na source codes ang election management system, vote counting machine, at consolidated canvassing system.

Ayon sa Pro V&V, posibleng magsagawa rin sila ng pagsusuri sa iba pang aspeto ng proseso ng automated election system ng Pilipinas, sa Enero ng papasok na taon.

Facebook Comments