Source segregation sa mga basura, dapat ipatupad – DENR

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon at koordinasyon ng Department of Environment and Natural Resources o DENR para mapigilan ang pagkalat ng virus sa bansa kabilang na ang African swine fever o ASF.

Nito lamang sinabi ng DENR na posibleng sa mga basura sa airport na napadpad sa Payatas at dinala sa bahagi ng Rizal nanggaling ang virus.

Sa Payatas kasi anila isinasagawa ang segregation na ang ilan ay tira-tirang pagkain mula sa airport  na nakarating sa babuyan matapos ibenta.


Ayon kay DENR Undersecretary Benny Antiporda, dapat magpatupad na ng source segregation.

Sa ganitong proseso sa mismong pinanggalingan pa lang ay nahihihiway at nas-sprayan na ng disinfectant ang mga basura kabilang na ang galing sa eroplano.

Aminado ang DENR na hirap na hirap na sila.

Dati kasi  basura lang ang kumakalat dala ang  mabahong amoy nito pero ngayon virus na ang kumakalat.

Sinabi ni Undersecretary Antiporda na importante ang tulungan  at dapat kumilos na agad dahil hindi lamang ASF ang sakit na maaring makapasok sa bansa.

Facebook Comments