South African at UK variant ng COVID-19, parehong mas nakakahawa ayon sa pag-aaral

Lumabas sa pag-aaral na parehong mas nakakahawa ang UK variant at South African variant ng COVID-19.

Pero ayon kay Department of Health Undersecretary at Spokesperson Maria Rosario Vergeire, ang B.1.351 o South African variant ay may isang component o mutation na posibleng makaapekto sa bisa ng mga dini-develop na bakuna.

Dahil dito, mas mahigpit ang ginagawang pagbabatay ng ahensya sa South African variant upang mapigilan ang pagkalat nito.


Samantala, nakapagtala ang DOH ng 38 na bagong kaso ng iba’t ibang coronavirus disease variant sa bansa.

Kabilang dito ang 6 na kaso ng South African variant, 30 na kaso ng UK variant at 2 dito ang nakitaan ng mutations of interest.

Ang nasabing bilang ay mula sa 350 samples na sinuri ng University of the Philippines (UP) — Philippine Genome Center (UP-PGC).

Kasabay nito, nanawagan ang DOH sa publiko na patuloy na sumunod sa ipinapatupad na health protocols upang mas maiwasan pa ang pagkalat ng nasabing sakit.

Facebook Comments