South Cotabato, nanatiling mapayapa sa kabila ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao

South Cotabato, Philippines – Nananatiling mapayapa ang lalawigan ng South Cotabato sa kabila ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng martial law sa Mindanao kasunod ng pag-atake ng Maute Group sa Marawi City.

Ito ang nagging pahayag ni Governor Daisy Avance Fuentes.

Samantala, ayon sa gobernadora nauunawaan nya ang ginawang pagdeklara ng Pangulo ng martial law sa Mindanao at wala naming dapat katakutan ang taumbayan kung walang nagawang paglabag sa batas.


Tiwala rin ito sa pamumuno ng 27th Infantry Batallion Philippine Army at PNP sa lalawigan na walang mangyayaring paglabag sa karapatang pantao matapos na sila ang binibigyan sa ngayon ng responsibilidad.

Patuloy naman nitong hinihingi ang suporta ng mga mamamayan na maging alerto at hindi matakot upang manatiling mapayapa ang lalawigan dahil ang ginawa ng president ay para naman umano sa kapakanan ng lahat.
DZXL558, Eden Cañete

Facebook Comments