SOUTH KOREA – Humihingi ng paliwanag ang South Korea sa gobyerno ng Pilipinas sa sinapit ng kanilang mamamayan na pinaslang matapos kidnapin ng mga umano’y police scalawags noong nakaraang taon.Ayon kay Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay, nakatanggap siya ng tawag mula kay South Korean Foreign Ministry Yun Byung-Se, na nagpahatid ng labis na pagkagulat sa pagkakasangkot umano ng mga alagad ng batas sa kaso.Anya, humiling ito na agad na malutas ang karumal-dumal na krimen na sinapit ng biktimang si Jee Ick-Joo.Sa kasalukuyan, nakumpirma nang patay ang biktima at na-cremate na rin ang labi nito sa isang punerarya sa Caloocan City matapos itong mapatay ng mga suspek.
Facebook Comments