South Korea mayor, nagtapon ng toneladang basura sa tabing-dagat para sa clean-up day

Beach garbage photo / pexels

Humingi ng paumanhin ang isang mayor sa South Korea na nagtapon ng toneladang basura sa malinis na baybayin para may pulutin ang environmental campaigners.

Ikinalat sa malinis na dalampasigan ng Jindo ang mga basurang una nang nakolekta mula sa maruruming katubigan.

Daan-daang volunteers ang nakilahok at naglinis sa lugar bilang bahagi ng International Coastal Cleanup Day, pandaigdigang aktibidad na may layong labanan ang masasamang dulot ng maruruming katubigan.


“We brought in waste styrofoam and other coastal trash gathered from nearby areas so the 600 participants could carry out clean-up activities,” ani Jindo county Mayor Lee Dong-jin sa isang pahayag.

Siniguro rin daw ni Lee na nahakot muli ang “100 percent” ng basura at walang “secondary pollution.”

Ginaganap ang International Coastal Cleanup Day tuwing Setyembre 21.

Nakiisa rito ang mga volunteer mula sa 100 bansa kabilang na ang Thailand, Hawaii, Israel at Pilipinas.

Facebook Comments