South Korean President Park Geun-Hye, tuluyan nang napatalsik sa puwesto

Manila, Philippines – Tuluyan nang napatalsik sa puwesto si South Korean President Park Geun-Hye.

 

Pagtibayin ng korte ang nauna nilang desisyon na ma-impeach matapos na masangkot sa corruption scandal ng kanyang malapit na kaibigan.

 

Kasabay ng impeachment, wala na ring presidential immunity si Park at maaari nang malitis sa kaso.

 

Dahil dito, agad na itakda ang eleksyon sa South Korea para sa magiging bagong Pangulo at posibleng ganapin ito sa Mayo 9.

 

Samantala, dalawa naman ang nasawi sa isinagawang protesta ng mga tagasuporta ni Geun-Hye.

 

Isang 72-anyos na lalaki na nakilala lamang sa apilyidong Kim ang nakita ng mga kasamang nagpoprotesta na duguan na ang ulo at nang isugod ito sa ospital ay idineklarang dead on arrival.

 

Habang isa pang 60-anyos na lalaki ang nasawi din matapos matagpuang walang malay sa subway station malapit sa korte na naglabas ng impeachment decision kay Park.

 

Maliban sa dalawang nasawi, mayroon pang dalawa na isinugod sa pagamutan.

Facebook Comments