Peru – Niyanig ng 6.4 magnitude na lindol ang southern Peru kaninang madaling araw, kung saan naramdaman din ang pagyanig nito sa mga bayan ng Tacna, Arequipa at Moquegua.
Naitala ng U.S. Geological Survey ang epicenter ng lindol sa 98 kilometers ng kanluran ng Camana sa probinsya ng Arequipa.
Ayon naman sa Peru Civil Defense Institute, normal na sa kanilang lugar ang paglindol dahil nasa pacific ring of fire ito.
Patuloy namang inaalam ng civil defense ng Peru ang kabuuang bilang ng danyos.
Facebook Comments