Lebron James, hindi na masaya sa Cleveland cavaliers

426

NBA – Hindi na masaya sa Cleveland Cavaliers ang NBA superstar na si Lebron James.

Ayon kay Jeff Zillgitt ng USA Today, dismayado kasi si James sa ilang desisyon na ginawa ng team noong off season.

Kabilang rito ang pagsibak kina General Manager David Griffin at Vice President of Basketball Operations na si Trent Redden sa kasagsagan ng best-of-seven series nito kontra Golden State Warriors sa NBA finals.

Dagdag pa rito ang hindi pagkakapasok sa team ni dating Chicago-Bull Star Jimmy Butler na makapagpapalakas sana sa koponan.

Matatandaang tinalo ng Warriors ang Cavaliers, 4-1 sa NBA finals.

Pwedeng iwan na ni James ang Cavaliers sa 2018.

Facebook Comments