Manila, Philippines – Kasabay ng 25th National Children’s Month, nangampanya ang Southern Police District para mailayo sa iligal na droga ang mga kabataan.
Katuwang ang DSWD nag-ikot ang mga taohan ng Las Piñas Police, kung saan nagsabit sila ng mga tarpaulin.
Ayon kay Pssupt. Marion D Balonglon, hepe ng Las Piñas Police may temang, “Bata: Iligtas Sa Droga!” ang nasabing aktibidad alinsunod na rin sa kagustohan ni Pangulong Rodrigo Duterte na tuluyang mapuksa ang salot na droga.
Sa bawat tarpaulin na ipinakalat, naglalaman ito ng mga larawan at babala sa masamang epekto ng iligal na droga lalo na sa mga kabataan.
Sa ilalim ng Republic Act No.10661, ideneklarang National Children’s Month ang buwan ng Nobyembre at ito ay pimirmahan ni dating Pangulong Benigno Aquino Iii noong May 29, 2015.