Sovereign patrol, isasagawa ngayong araw ng NOLCOM sa Philippines bilang bahagi ng pagdiriwang ng Araw ng Kalayaan

Magsasagawa ng maritime sovereignty patrol ngayong araw sa Philippine Rise ang Naval Forces Northern Luzon ng Northern Luzon Command (NOLCOM) bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-124 na Araw ng Kalayaan.

Ayon kay NOLCOM Commander Lt. Gen. Ernesto Torres Jr., ang BRP Conrado Yap (PS39) kasama ang isang inter-agency fleet ay magpapatrolya ngayong araw sa Philippine rise para itaguyod ang eksklusibong pag-aari ng Pilipinas sa naturang bahagi ng Pacific Ocean.

Kasabay nito, isasagawa ang ika-anim na komemorasyon ng pagpapalit ng pangalan ng Philippine Rise mula sa dating Benham Rise noong May 16, 2017, sa pamamagitan ng flag raising ceremony sa BRP Conrado Yap.


Ayon kay Lt. Gen. Torres, palalawigin ng NOLCOM ang pagpapatrolya sa Philippine Rise para pangalagaan ang kaligtasan at kabuhayan ng mga mangingisda sa Infanta at Real sa Quezon; Baler, Aurora; Catanduanes; at iba pang kalapit lalawigan.

Facebook Comments