Mamayang gabi ay kakausapin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senate President Tito Sotto III kaugnay sa 2019 budget.
Ayon kay Sotto, si Executive Secretary Salvador Medialdea ang tumawag sa kanya kaugnay sa imbitasyon ng pangulo.
Sabi ni Sotto, isasama niya sa pagharap sa pangulo sina Finance Committee Chairperson Senator Loren Legarda, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Majority Floorleader Juan Miguel Zubiri, Senators Panfilo Lacson at Gringo Honassan Gayundin si Legislative Budget Reserch and Management Office o LBMRO Director General Yolanda Dublon.
Plano ni Sotto na ireport kay Pangulong Duterte kung ano makikita ng LBRMO sa ginagawang pagsusuri ngayon sa isinumite ng Kamara na enrolled copy ng 2019 budget.
Facebook Comments