SP Sotto, nagdeklara ng ceasefire sa liderato ng Kamara makaraang mag-sorry na si Speaker Cayetano

Nagdeklara si Senate President Vicente “Tito” Sotto III ng ceasefire sa pakikipag-argumento sa liderato ng Kamara kaugnay sa proposed 2021 National Budget.

Ginawa ito ni SP Sotto makaraang tumawag sa kaniya at mag-sorry si House Speaker Alan Peter Cayetano sa sinabi nito na ang Senado ang dapat sisihin kapag hindi naipasa ang 2021 budget sa takdang panahon.

Tinanggap ni SP Sotto ang sorry ni Cayetano na nangako na hanggang November 5, 2020 ay isusumite nila sa Senado ang kopya ng panukalang budget na aaprubahan ng Kamara.


Ayon kay Sotto, ang pangako ni Cayetano ay makakatulong sa Senado lalo na kay Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara.

Dahil dito ay sinabi ni Sotto na gagawin ng Senado ang lahat ng makakaya para maipasa sa tamang panahon ang panukalang budget.

Nagsimula ang sagutan ng magkabilang panig ng isuspinde ng maaga ni Cayetano ang plenary sessions ng Kamara kahit hindi pa nito naipapasa ang 2021 budget.

Dahil dito ay agad inihayag ng Senado na magigipit na sila sa panahon para maipasa ngayong taon ang budget kung sa pagbubukas pa ng session sa November 16, 2020 ito ipapasa at maita-transmit ng Kamara.

Facebook Comments