Wednesday, February 11, 2026

SP Tito Sotto, pumalag sa pahayag ng tagapagsalita ng Chinese Embassy laban sa ipinasang resolusyon ng Senado

Tinuligsa ni Senate President Tito Sotto III ang naging pagbatikos ni Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng sa resolusyong ini-adopt ng Senado laban sa ilang opisyal ng Chinese embassy.

Nitong Lunes ay pinagtibay ng Senado ang Senate Resolution 256 na kumukundena sa ilang opisyal ng Chinese embassy na binatikos ang ilang mga opisyal ng bansa pati ang mga senador na nagtatanggol lamang sa teritoryo ng Pilipinas.

Ayon kay Sotto, mukhang gustong patahimikin ng Chinese Embassy ang Senado sa pagtawag sa kanila ng ipokrito at walang alam dahil sa inilabas na posisyon ng mga senador sa resolusyon.

Puna ni Sotto, sinabi ni Lingpeng na sinisindak ng Senado ang mga Chinese diplomats pero patuloy naman silang nagsasalita laban sa mga mambabatas at tinawag ang resolusyon na isang political stunt.

Giit ng Senate President, ibabalik lamang din niya ang parehong sinabi ng Chinese embassy official na mukhang kakaunti lamang ang nalalaman sa diplomasya sabay hirit na ang respeto ay matutumbasan ng respeto.

Facebook Comments