SP Vicente Sotto III, bukas na tumakbo sa pagka-bise presidente

96

Bukas si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na tumakbo sa pagka-bise presidente sa 2022 national elections.

Sa survey ng Pulse Asia, pumapangatlo si Sotto sa mga gustong kandidato sa pagkabise-presidente sa halalan sa susunod na taon.


Aniya, maaari siyang tumakbo kung bibigyan ng trabaho ang isang vice president na humawak ng mga problema sa iligal na droga at drug abuse.

Samantala, nais naman niyang maging running mate si Senator Panfilo Lacson na pang-walo naman sa preferred 2022 presidential candidates.

Maglalabas ng desisyon si Sotto ukol sa posible niyang pagsabak sa vice presidential bid sa Agosto o Setyembre.

Facebook Comments