3 arestado sa illegal na sabong sa Boracay

11

Boracay – Arestado ang tatlo katao matapos na mahuling nagsasagawa ng illegal na sabong kahapon ng hapon sa Brgy. Yapak, Boracay, Malay, Aklan. Ang mga naaresto ay nakilalang sina Mario Amar, 29-anyos; Arnold Banes, 43-anyos at Angelo Ronquillo Jr., 42-ayos lahat residente ng nasabing lugar. Naaresto ang tatlo matapos na magsagawa ng operation ang Intelligence Operatives ng Malay PNP, HPG at PNP Maritime laban sa Illegal Gambling. Na recover sa tatlo ang dalawang pangsabong na manok, dalawang tari at Php 670.00 peoso bilang taya. Sa ngayon ang tatlo ay nakatakdang i-inquest sa kasong paglabag sa P.D. 1602 o Illegal Gambling.

Facebook Comments