Spain, muling nakaranas ng heatwave ngayong taon

Sa pangalawang pagkakataon ngayong taon ay nakaranas ang bansang Spain ng heatwave.

Ayon sa kanilang state weather bureau na AEMET, pumalo sa 43 degrees Celsius ang naitalang temperatura sa bahagi ng Sevilla at Badajos kahapon.

Sinabi ni AEMET spokesman Ruben del Campo na posibleng pumalo sa 44 degrees Celsius ang temperature sa bahagi ng Cordoba at Extremadura.


Dahil dito ay inabisuhan ni Del Campo ang publiko sa Espanya na iwasan ang labis na physical activity, tutukan ang mga matatandang sensitibo sa mataas na temperature at palagiang uminom ng tubig.

Nagbanta rin ito ng forest fire na siyang talamak tuwing may heatwave.

Inaasahang magtatagal ang heatwave sa Spain hanggang July 14.

Facebook Comments