Professional Regulation Commission, nagdagdag ng dalawang testing center para sa September 2022 Licensure Examination for Professional Teachers

100

Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) na magdadagdag ito ng dalawang karagdagang testing center para sa September 2022 Licensure Examination for Professional Teachers.

Matapos nitong kumpirmahin ang pagkakatalaga ng Kidapawan City sa Cotabato kamakailan ay idadagdag na rin ng PRC ang Bayambang, Pangasinan at Bacolod City bilang testing centers ng naturang pagsusulit.

Ayon sa PRC, ito ay para hindi na kailangang bumiyahe ng ilang examinees para makuha lamang ng pagsusulit.


Dahil dito, mayroon nang 27 testing centers sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

Nakatakdang isagawa ang 2022 LEPT sa September 25 habang matatapos na ang filing of application nito sa darating na July 25.

Facebook Comments