Venice, Italy – Pinagmulta ng 78,000 euros o 4.5 million pesos ang isang Spanish architect dahil sa palpak na disenyo ng isang tulay na matatagpuan sa nakakamanghang Grand Canal.
Sa desisyon ng korte, si architect Santiago Calatrava ay nagpabaya o ‘negligent’ sa proseso ng konstrukyon ng Constitution Bridge.
Lumalabas kasi na mahina ng kapasidad ng tulay para sa maraming bilang ng mga turista.
Ang tulay na itinayo noong 2008 bilang pagkilala sa 60th Anniversary ng Italian Constitution.
Facebook Comments