Spanish Government, nagdeklara ng state of emergency para mapababa ang COVID-19 infection rate

Photo Courtesy: VOA News

Nagdeklara na ng 15-days state of emergency ang Spanish government para mapanatiling naka-partial lockdown at mapababa ang COVID-19 infection rate sa lungsod ng Madrid at sa siyam pang mga bayan.

Ayon kay National Health Minister Salvador Illa, layunin nitong maprotektahan, mailigtas at mailayo ang mga residente sa banta ng Coronavirus Disease.

Samantala, nagpakalat na ng 7,000 mga pulis sa lugar para matiyak ang seguridad at papayagan namang makapag-operate ng 50% capacity ang hotels at restaurants hanggang alas-11:00 ng gabi habang limitado naman sa anim na katao ang maaaring magsagawa ng social gatherings.


Sa ngayon, nasa 4.78 milyong katao na ang apektado kabilang na ang lungsod ng Fuenlabrada, Getafe at Leganes bunsod ng COVID-19 pandemic.

Facebook Comments