SPD, positibong gagandang muli ang imahe ng PNP kasunod ng pagtanggal sa karapatang magsagawa ng drug operations

Manila, Philippines – Umaasa ang pamunuan ng Southern Police District (SPD) na gaganda muli ang imahe ng pulisya matapos alisin sa kanilang kapangyarihan ang pagsasagawa ng operasyon kontra droga.

Ginawa ang pahayag ni SPD Director PC Supt. Tomas Apolinario, matapos buwagin ng PNP ang Drug Enforcement Unit kasunod ng kautusan ni Pangulong Duterte na ipaubaya na sa PDEA ang pagsasagawa ng mga operasyon kontra droga.

Paliwanag ni Apolinario, bababa na kasi ang krimen dahil mas matututukan na ng mga pulis ang kampanya laban sa kriminalidad.


Sa pagkakabuwag kasi ng Drug Enforcement Unit ay madadagdagan na ang pwersa ng mga pulis na magpapatrolya sa lansangan.

Umaasa din si Apolinario na sa pagkakabuwag ng drug enforcement unit ay maalis na rin ang pagdududa ng publiko sa pagpatay ng mga riding in tandem criminals sa mga hinihinalang sangkot sa iligal na droga na karaniwang isinisisi sa mga pulis.

Facebook Comments