Nakipagpulong ang pamunuan ng Southern Police District o SPD sa mga miyembro ng media.
Ito’y para tiyakin ang kanilang seguridad kasunod ng nangyaring pagpatay sa beteranong na si Percival Mabasa na kilala bilang Percy Lapid.
Ayon kay SPD Director PCol. Kirby John Kraft, inaalam nila kung may natatanggap na banta sa seguridad ang mga mamamahayag na nagko-cover sa kanilang area of responsibility.
Batay sa datos ng SPD, aabot sa 11 miyembro ng media ang nabiktima ng iba’t ibang krimen tulad ng theft, carnapping, robbery, physical Injury, alarm and scandal at ang huli ay murder case ni Percy Lapid.
Tiniyak din ni Kraft na handa ang SPD na makipagtulungan sa media partikular ang mga COP sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga impormasyon sa mga mamahayag.