Speaker Alan Peter Cayetano, hihingi ng instructions kay Pangulong Duterte kaugnay sa usapin ng term-sharing

614

Plano ni House Speaker Alan Peter Cayetano na makipagusap kay Pangulong Duterte tungkol sa usapin ng term-sharing.

 

Ayon kay Cayetano, makikipagusap siya kay Pangulong Duterte isa o dalawang buwan bago matapos ang 15 buwan nitong termino sa pagiging speaker.


 

Hihingi aniya siya sa Presidente ng utos o instructions at kung anong sabihin nito ay iyong masusunod.

 

Ipinauubaya naman ni Cayetano kay Pangulong Duterte ang usapin ng term-sharing.

 

Paliwanag pa ni Cayetano, ito rin ang napagkasunduan nila ni House Majority Leader Martin Romualdez at Marinduque Rep. Lord Allan Velasco.

 

Pero, dahil malayo pa naman anya ito ay nakatutok silang lahat ngayon sa kanilang mga trabaho.

Facebook Comments