Selosong tatay, kinagat ang tenga ng lalaking nakipag-usap lamang sa kanyang asawa

316

Dahil sa selos, kinagat ng isang tatay ang tenga ng lalaking nakipag-usap lang umano sa kanyang asawa sa isang bar sa Queensland, Australia.

Inatake ni Peter James Cherry, 45 ang biktima sa Rococo Noosa, ang naturang bar, kung saan ginawa nya ang krimen.


Ayon sa asawa niyang si Katherine Milbourne, una nang sinuntok ni Cherry ang biktima saka kinagat sa tenga at nanakot pang mangangagat din ng iba pang naroon.

Iniwan pa daw ni Cherry ang bar na sinisigawan ang security guard na may kasamang pagbabanta.

Agad namang naisugod sa Sunshine Coast University Hospital ang biktima ngunit sa kasamaang-palad ay hindi na naibalik pa ang tenga nito.

Nasintensyahan naman si Cherry ng dalawang taong pagkakakulong matapos mapatunayang guilty sa krimen.

Kinakailangan rin niyang magbayad sa kanyang biktima sa October 30.

Facebook Comments

From Advertisers