Speaker Alan Peter Cayetano, hinimok si Senator Grace Poe na basahin ang desisyon ng Kamara sa ABS-CBN franchise

Hinikayat ni Speaker Alan Peter Cayetano si Senator Grace Poe na basahin ang naging desisyon ng Kamara sa hindi pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN.

Ito ay matapos pabulaanan ni Cayetano ang babala ni Poe na ang pagtanggi ng Kamara na bigyan ng prangkisa ang network ay maaaring maging “dangerous precedent” sa ibang franchises ng TV at radio stations.

Taliwas aniya sa sinabi ng senadora, iginiit ni Cayetano na ang hakbang ng Legislative Franchises ay nagtakda ng “strong precedent” na hindi kukunsintihin ng Mababang Kapulungan kahit na ang mga oligarchs na abusuhin at dayain ang gobyerno at ang publiko.


Ipinunto pa ni Cayetano na may “chilling effect” lamang ang nangyari sa ABS-CBN para sa mga kumpanyang umaabuso sa sistema, sa batas at sa konstitusyon.

Bukod sa pagbabasa sa findings at desisyon ng Kamara sa ABS-CBN franchise, hinikayat din ni Cayetano si Poe na panoorin ang pagdinig at intindihin na ang hindi paglabag sa batas ay hindi kapareho ng pagsunod dito.

Facebook Comments