Manila, Philippines – Pinag-aaralan na rin ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang posibilidad ng paghahain ng impeachment complaint laban kay Vice President Leni Robredo.
Ayon kay Alvarez maaaring pagbatayan ng pagpapatalsik kay Robredo ang betrayal of public trust nang magpadala ito ng video message sa United Nation na binabatikos ang war on drugs ng Duterte administration.
Giit ni Alvarez, inilagay nito sa pangit ang imahe ng bansa sa international community na maaaring makasama sa ekonomiya ng bansa.
Pinuntuhan rin nito ang legitimacy ni Robredo bilang Bise Presidente na nahaharap sa election protest na inihain ni senador at dating vice presidential candidate Bongbong Marcos na natalo ng humigit kumulang 200,000 boto.
Inaakusahang din ni Alvarez na nasa likod ng destabilization plot laban kay Pangulong Duterte si Robredo.