MANILA – Nagbabala si House Speaker Pantaleon Alvarez na tatanggalin sa koalisyon ng supermajority ang mga hindi susuporta sa death penalty bill.Banta ni Alvarez, papalitan niya ang mga deputy speaker at committee chairmen na hindi bobotong pabor sa panukala.Aniya, kung hindi lang din papabor sa death penalty bill ay mabuting kusang magresign na lamang sa supermajority.Nakipagpulong na si Alvarez sa mga kongresistang kaalyado sa PDP-Laban para sabihin sa mga ito ang party stand sa panukala.Pero giit ni buhay Party List Rep. Lito Atienza – posibleng si Alvarez ang mapatalsik kung ipagpipilitan nito ang pagbuhay sa death penalty bill.Nabatid na tapos na ang death penalty bill sponsorship sa plenaryo at inaabangan na lamang ang mainitang debate hinggil dito.
Speaker Alvarez, Nagbantang Tatanggalin Sa Koalisyon Ang Tutol Sa Death Penalty
Facebook Comments