Speaker Alvarez, pinanindigan ang show cause order laban sa mga justices ng Court of Appeals

Manila, Philippines – Pinaninindigan ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang show cause order na inisyu ng Kamara sa tatlong mahistrado ng Court of Appeals na naglabas ng release order sa Ilocos 6 na nakadetain sa Batasan Complex dahil sa hindi pagsasabi ng totoo sa imbestigasyon sa pagbili ng maraming sasakyan gamit ang tobacco excise tax fund ng lalawigan.

Kasunod nito ay binalewala ni Alvarez ang panawagan ng Korte Suprema at Court of Appeals tungkol sa deadlock ng kapulungan at CA.

Ayon kay Alvarez, nirerespeto niya ang posisyon ni SC Chief Justice Ma. Lourdes Sereno at CA Presiding Justice Andres Reyes Jr na hindi na dapat naglabas ng show cause ang Kamara sa CA justices pero naninindigan siyang tama ang naging hakbang ng kapulungan.


Katwiran ng Speaker, ginagawa lamang ng Kamara ang trabaho nito base sa batas at jurisprudence.

Iginiit nito na ang special fourth division ng CA ang siyang lumabag sa batas.

Sa kanilang banda ay naniniwala ang Kamara na kailangang panatilihin ang harmony sa relasyon ng mga tanggapan ng pamahalaan ay hindi naman maaaring palagpasin ang pakikialam ng CA sa legislative powers ng mababang kapulungan.

Facebook Comments