Amerikano, patay matapos pagbabarilin at pagnakawan ng akyat-bahay gang sa Cavite

265

Cavite, Philippines – Patay ang isang Amerikano matapos barilin at pagnakawan pa ng mga miyembro ng akyat-bahay gang sa Silang, Cavite.

Kinilala ang biktima na si Michael Richard Jensen.

Sa ulat, pinasok ng apat na suspek ang bahay ng dayuhan sa isang exclusive subdivision kung saan pinagbabaril ng mga ito si Jensen habang pinadapa ang iba pang kasama nito sa bahay.


Doon na hinalughog ng mga kawatan ang kwarto ng biktima kung saan natangay ang P3,000 pera nito.

Tinutugis na ng pulisya ang mga suspek.

Facebook Comments