Speaker Arroyo, nagpaabot na ng pagbati kay bagong BSP Governor Benjamin Diokno

Binati na rin ni House Speaker Gloria Arroyo si bagong talagang Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno.

Pero tanging nasambit lamang ni Arroyo sa media ay ‘Congrats’ para kay Diokno at tumanggi na itong magbigay ng iba pang pahayag.

Matatandaan na unang lumutang ang pangalan ni Arroyo na ipapalit sa yumaong BSP Governor Nestor Espenilla JR., na kalaunan ay itinanggi ng Speaker.
Samantala, umiwas din si Arroyo na magbigay ng reaksyon sa alegasyon ni Senator Panfilo Lacson na nagrealign ang Speaker ng P25 Million sa bawat pinapaburang kongresista.


Facebook Comments