Nakahanda si House Speaker Alan Peter Cayetano na humarap sa anumang imbestigasyon tungkol sa gastos sa gaganaping sea games sa bansa.
Ayon kay Cayetano, handa niyang depensahan ang lahat ng gastos sa sea games pero pakiusap nito ay patapusin muna ang event.
Nakahanda siyang sagutin at ipaliwanag ang bawat sentimo na ginastos dito.
Hirit ni Cayetano, sana ay noon pang deliberasyon sa 2019 budget para sa pondo ng sea games naitanong ang mga isyung ito hindi ngayon kung kailan nalalapit na itong gawin sa bansa.
Bukod sa pinagiinitang P50 million cauldron o kawa ay nakahanda din si Cayetano pati na ang bcda na sagutin ang P11 billion na inutang ng bansa sa Malaysian firm na pampagawa sa New Clark City Sports Hub.
Buwelta pa ni Cayetano, double standard ang nangyayari sa ginagawang pamumuna ng oposisyon sa kanilang hakbang dahil kapag ang oposisyon ang may proyekto ito ay tama ngunit kapag ang adminsitrasyon na ang gumawa ay laging mali ang napupuna.