Speaker Cayetano, handang tumulong sa pagsasagawa ng SEA Games sa Vietnam

Manila, Philippines – Nakahanda umano si Philippine Sea Games Organizing Committee (PHISGOC) Chairman at House Speaker Alan Peter Cayetano na tulungan ang Vietnam na siyang susunod na host sa 31st SEA Games sa 2021.

Ayon kay Cayetano, handa ang bansa na tumulong sa paghahanda ng Vietnam sa SEA Games dahil sila ay ating mga kapatid.

Sinabi ng Speaker na kung hindi man kasing laki ng SEA Games ngayon ang susunod na sporting event sa Vietnam ay hindi ibig sabihin na hindi ito makakahigit pa.


Aniya, masaya siya dahil naitanghal na ‘Best SEA Games” ang naganap sa Pilipinas pero nakahanda siyang suportahan ang ibang mga bansa na pagdarausan ng mga susunod na palaro upang higit na mas maganda ang SEA Games na mangyayari.

Samantala, inihayag ni Cayetano na higit sa P1 bilyong piso na ang kitang pumasok sa turismo ng bansa dahil sa katatapos na SEA Games.

Pagmamalaki pa ni Cayetano, inisyal pa lamang ang ulat na ito at inaasahang madaragdagan pa kapag naipasok na rin ang kita ng ibang sektor sa SEA Games.

Facebook Comments