Speaker Cayetano, nanawagan na isantabi ang pulitika sa gitna ng COVID-19

Nanawagan na rin si House Speaker Alan Peter Cayetano sa mga leader ng bansa na isantabi ang pulitika at magkaisa para labanan ang COVID-19.

Ayon kay Cayetano, tiyak na marami pang pagdadaanan ang bansa kaya dapat ay makagawa ng paraan na magtulungan at magkaisa ang lahat sa pamamagitan ng pagsantabi sa mga usaping politikal.

Hiniling ng Speaker na alisin muna ang toxic environment na ating nakasanayan bago pa man maging problema ang COVID-19 sa bansa.


Sinabi din ni Cayetano na ito ang panahon na dapat ay ginagawa ng lahat ang kanilang tungkulin sa mamamayan at sa bansa.

Nakiusap naman si Cayetano sa publiko na bigyan ng pagkakataon ang Presidente at ang buong Ehekutibo na maipatupad ang mga hakbang na kailangang gawin para labanan ang COVID-19 sa ilalim ng dagdag na kapangyarihan na ibinigay dito ng Kongreso.

Giit ni Cayetano, hindi gawa-gawa ng Executive ang ipinasang “Bayanihan to Heal as One Act” dahil ilang araw itong pinagpulungan at dumaan ito sa konsultasyon ng mga eksperto bago naipasa ng Kongreso.

Facebook Comments